6 NASAWI SA KARAMBOLA NG 4 SASAKYAN

PATAY ang anim katao, kabilang ang pitong buwan gulang na sanggol, sa aksidenteng naganap sa highway ng Purok 9, Barangay Poblacion, Tacurong City, kahapon ng madaling araw.
Ayon kay Staff Sergeant Rick Concepcion, apat sa mga nasawi ay bata.
May lima ring sugatan sa aksidenteng kinasangkutan ng apat na sasakyan.
Sa ulat, una umanong binangga ng SUV ang isang tricyle na may sakay na mag-anak.
Nadamay din ang isa pang tricycle at pick-up na nakasunod naman sa SUV.
Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa aksidente.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *