5 tulak patay sa buy bust sa Bulacan

PATAY ang limang pinaghihinalaan drug pusher nang manlaban sa magkahiwalay na isinagawang buy bust operation sa San Jose Del Monte Ciy, Bulacan.
Kinilala ang mga napatay na suspek na sina Chamberlain Domingo y Santos, Chadwin Santos y Dela Rosa, at Edmar Aspirin y Samson. Samantala dalawa pang suspek ang inaalam pa ang pagkakilanlan.
Ayon sa ulat, 10:30 ng gabi nang unang nagsagawa ng buy bust operation ang mga elemento ng San Jose Del Monte City Bulacan sa Amihan Road, Brgy. Tungkong Magga, San Jose Del Monte City.
Nakatunog ang mga suspek na sina Domingo at Santos na isang pulis ang kanilang naka-transaksyon kaya tinangkang tumakas sakay sa isang kulay asul na Rusi motocycle na may plakang 7661 XN habang pinaputukan ang mga operatiba dahilan upang gumanti ng putok ang mga ito.
Makaraan ang ilang palitan ng putok, kapwa nasawi noon din ang mga suspek matapos na magtamo ng tama ng bala sa katawan.
Samantala, 12:20 ng madaling-araw nang magsagawa ng buy bust operation ang mga elemento ng San Jose Del Monte City sa La Poblacion 1, Brgy Muzon, San Jose Del Monte City.
Nanlaban naman ang suspek na si Edmar Aspirin at dalawang ‘di pa nakikilang suspek sa mga otoridad nang aarestuhin ng mga operatiba matapos na magpositibo ang isinagawang buy bust operation.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad kaugnay ng nasabing mga insidente.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *