LIMANG overseas Filipino workers (OFWs) ang nagsampa ng reklamo laban sa kanilang employer matapos umano silang abusuhin (sexually molested) sa Al Ula, probinsiya ng Madinah.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang Philippine Consulate General sa Jeddah ay nagpadala na ng kanilang team sa Al Ula, Madinah province upang magbigay ayuda sa mga biktima na pawang Pinay workers.
Ayon sa DFA, tatlo sa mga biktima ay umaming inabuso sila ng kanilang employer at pinasa pa sila sa iba pang employer para magtrabaho. Ang mga biktima, inasistahan ng abogado at translator nang magsampa sila ng kaso sa Al Ula Public Prosecutor’s Office laban sa kanilang employer. Sa lumabas sa resolution sa isinagawang preliminary investigation, ikinulong ang suspek.
Pansamantalang nanunuluyan ang mga biktima sa konsulada ng Pilipinas. (Lordeth B. Bonilla)

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close