PATAY na nang matagpuan ang lima katao sa isa umanong drug den sa San Jose del Monte City, Bulacan, Huwebes ng umaga. May mga tama ng bala ang mga biktima.
Kabilang sa mga pinaslang si Juliet Fernandez, ang umano’y maintainer ng drug den; kasabwat niyang si Norberto Oden, 63; Manuelito Bergonio, 35, may kasong carnapping; at isang alyas “Mel Diezel,” na nasa drug watchlist ng pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency, ayon kay Col. Chito Bersaluna, direktor ng Bulacan provincial police.
Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng isa pang biktima.
Natagpuan ang mga bangkay sa isang bahay sa Bgy. San Pedro.
Natagpuan sa pinangyarihan ang 10 basyo ng kalibre .45 pistola, anim na basyo ng kalibre-.40 baril, dalawang kalibre .45 bala, at anim na slug.
Nakita rin dito ang isang malaking pakete na may pitong sachet ng shabu.
Sa ulat, sinabi ng mga kaanak at kapitbahay na ang mga biktima’y pawang sangkot sa kalakalan ng iligal na droga.
Sinisilip ng mga imbestigador ang posibilidad na onsehan sa droga ang pinag-ugatan ng pagpatay.
Patuloy na iniimbetigahan ng mga awtoridad ang naganap na krimen.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *