MULING dedepensahan ni ni ONE strawweight world champion Joshua “The Passion” Pacio ang kanyang titulo sa ikalawang pagkakataon sa January 31 ng susunod na taon sa Mall of Asia Arena.
Magsisilbing main event sa ONE: Fire & Fury ang laban ng Igorot mix martial artist kontra kay dating ONE Strawweight World champion Alex Silva ng Brazil.
Maalalang naagaw ang titulo kay Pacio nang matalo ito sa laban nila ni Yosuke Saruta ng Japan noong January 2019 ngunit nagawa niyang mabawi ito matapos talunin si Saruta sa kanilang rematch noong April 2019.
Nagawa ng 23-anyos na maidepensa ang kanyang titulo noong nakaraang buwan ng November makaraang talunin ang challenger na si Rene Catalan.
Inaasahang masusubok ang kakayahan at abilidad ni Pacio na panatilihin ang kanyang status bilang best strawweight fighter sa buong mundo sa kanilang paghaharap sa octagon ng 37-anyos at dating title holder na si Silva.
Samantala, magsisilbing co-main event ang laban ng 36-anyos at multiple-time ONE lightweight world champion na si Eduard Folayang kontra sa 26-anyos na si Ahmed Mujtaba ng Pakistan.
Mapapanood din sa undercard ang laban ni Danny Kingad kontra kay Xie Wei, ang laban ni Lito Adiwang kontra kay Pongsiri Mitsatit at ang laban ni Gina Iniong kontra kay Asha Roka.
Ang limang Igorot mix martial artists ay pawang mula sa sikat na Team Lakay sa ilalim ni coach Mark Sangiao.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *