Nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) ang 44 pang sakay ng Diamond Princess Cruise Ship na nakadaong sa Yokohama, Japan.
Ayon sa health ministry ng Japan, 29 sa naturang bilang ay pawang mga Japanese nationals habang ang 15 pa ay iba pang lahi.
Dahil sa panibagong bilang na naitala, umakyat na sa 218 ang kumpirmadong nagpositibo sa COVID-19 sa Diamond Princess Cruise.
Samantala, ibinaba na sa barko at sinugod sa ospital ang mga panibagong nagpositibo sa COVID-19.

  • 1
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    1
    Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *