40 PRESO NA PINALAYA SA GCTA AT SUMUKO PUMUGA SA IWAHIG

NASA 40 preso sa Puerto Prinsesa, Palawan na pinalaya sa good conduct time allowance (GCTA) at boluntaryong sumuko ang tumakas mula sa police custody.
Ito ang kinumpirma ni Levy Evangelista, tagapagsalita ng Iwahig Prison and Penal Farm.
Sinabi ni Evangelista, Sabado ng hapon nang tumakas ang mga bilanggo gamit ang iba’t-ibang exit points ng kulungan.
Aniya, nais nang umuwi sa kani-kanilang mga tahanan ang mga dating preso, pero hinimok na maghintay dahil sa isinasagawang proseso ng Department of Justice (DOJ).
Giit nito, nawalan na kasi ng pasensiya ang mga preso kaya ginawa nilang tumakas.
Sa ngayon, kanilang hihimukin muli ang mga tumakas na boluntar-yong sumuko muli nang sa gayon ang kanilang release process ay magiging legal.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close