4 tumbok sa pagpatay sa Labor officer

MAY apat na ‘persons of interest’ na ang Manila Police District (MPD) sa kaso ng pagpatay sa isang senior officer ng Department of Labor and Employment (DOLE) na si Helen Dacanay noong Lunes.
Sa isang pulong balitaan kahapon ng umaga, iprini-sinta sa media ni MPD Director Brig. Gen Bernabe Balba ang mga larawan ng mga naturang persons of interest.
Inilabas narin ng mga awtoridad ang kuha ng CCTV kungsaan makikita ang dalawang lalaki na magkasama at namaril sa sasakyan ni Dacanay.
Ang dalawa sa mga ito ay nauna nang nakitang sakay ng kulay asul na motorsiklong Suzuki Shogun na walang lisensiya. Walang helmet ang mga ito at nakasuot lamang ng sumbrero.
May isa pang person of interest, na nagsilbi umanong point man o pointer, na nagmatyag daw sa paligid ng DOLE Manila sa Malate sa loob ng dalawang oras, habang ang ikaapat ay siya namang rider o gumamit ng motor ng gunmen.
Sinabi rin ni Balba na bumuo na ang MPD ng isang special task group na siyang masusing mag-iimbestiga sa kaso.
Matatandang kalalabas lamang ni Dacanay sa kanyang tanggapan at sakay na ng kanyang behikulo nang tambangan at paulanan ng bala ng mga sa-larin 4:50 ng hapon noong Lunes sa Malvar Street, Malate. Ligtas naman ang kasama ni Dacanay sa sasakyan, na nagtatrabaho rin sa DOLE.

  • 3
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    3
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close