4 MILITANTE NA NAG-VANDAL SA MANILA KULONG! | Top Stories

4 MILITANTE NA NAG-VANDAL SA MANILA KULONG!

MAHAHARAP sa patong patong na kaso ang apat na miyembro ng militanteng ‘Panday Sining’ ng Anakbayan kasama ang isang menor de edad na binitbit ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) matapos mag-vandal sa gitna ng pagdiriwang ng kaarawan ni Gat Andres Bonifacio nitong Sabado.
Sa naantalang ulat ng MPD-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS), 5:30 ng hapon ng Sabado nang madakip ang apat sa kahabaan ng Plaza del Carmen St., harapan ng San Sebastian St, sa Maynila.
Kinilala ang mga suspek na sina Jeanne Vaughn Nico Quijano, 24, walang trabaho; Joven Francis Laura, 24, post grad student ng Dela Salle University; Mijhail Collado , 18, binata, 4th year College Student ng St.Benilde; at isang menor de edad na kapwa nakatira sa #864 Tres Marias St., Blumentritt kanto ng Espana, Sampaloc, Maynila.
Nahuli ang mga ito ng mga tauhan ng District Intelligence Division ng MPD habang nasa aktong nagba-vandal sa poste ng LRT sa kahabaan ng Recto Avenue, at nang huhulihin ang mga ito ng mga operatiba ay nanlaban pa.
Samantala, sa Twitter, iginiit ni Manila Mayor Isko Moreno na nag-abiso na siya at nanawagang huwag nang ulitin, ngunit inulit parin umano ng grupo.
Sadya aniyang sinusubukan ng grupo kung mayroong batas at liderato sa Maynila.
“You were warned. Nag-abiso na ako. Nananawagan po ako na huwag ninyo nang ulitin. Inulit niyo pa rin. Sinusubukan niyo kung may batas at liderato sa Maynila,” ani Moreno.
Dahil dito, sinabi ng alkalde na kailangang harapin ng apat ang bisa ng batas.
Binitbit ang mga suspek sa MPD GAIS upang maimbestigahan. Mahaharap sa kasong Maliscious Mischief, R.O. 797 (Resisting Arrest) & R.O. 1600 (Interferring Police Duties) ang mga naaresto.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close