Pinaghahanap na ngayon ang apat na magkakamag-anak na ipinasailalim sa 14-days quarantine period ngunit tumakas matapos maharang sa Barangay Quarantine Monitoring Point sa Brgy. Sta. Cecilia Calauag Quezon.
Kinilala ang mga suspek na sina Ryan Lumbao Lastrilla, Jeffrey Asiado Lastrilla, John Jed Lastrilla at Israel Milaor.
Sa ulat, nabatid na napansin ni Kapitan Joselito Velasco, 55; at Jayson Malabana, 34-anyos, Barangay Police na dumaan sa Quarantine Monitoring Point ang apat kung kaya agad itong sinaway ng opisyal.
Maliban dito, pinagsusuntok pa ni John Jed Lastrilla ang dingding ng bahay ng naturang Barangay Police dahilan para matakot ang mga anak nito.
Kaugnay nito, agad na lumapit si Malabana para sawayin ang suspek ngunit sa halip na sumunod, nakipagsagutan pa ito hanggang sa lumapit na si Ryan Lumbao Lastrilla at sinuntok sa mukha ang biktima.
Nabatid na lango sa alak ang mga suspek na dapat sana’y nakaquarantine.
Sa ngayon, pinaghahanap na ito ng mga otoridad na agad na tumakas matapos ang naturang insidente.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *