INIHARAP kahapon ni Manila Mayor Isko Moreno ang naarestong 35 suspek sa paggamit ng iligal na droga sa mga mamamahayag sa Manila City Hall.
Naaresto ang mga suspek ng Manila Police District sa serye ng mga operasyon sa Baseco Compound, Port Area, sakop ng Ermita, Manila.
Ayon kay Moreno, hindi nanlaban sa mga pulis ang mga suspek at pinaalalahanan ang mga awtoridad na respetuhin ang karapatang pantao ng mga ito.
Inirekumenda naman ng alkalde na kasuhan para masibak ang mga opisyal ng barangay sa Baseco dahil posible umanong dawit sila sa iligal na droga.
Una nang iniutos ni Moreno sa MPD, katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency, na linisin ang Baseco Compound sa mga iligal na droga at mga armas.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
Tagged :

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *