31 days sa ospital: Binaril na brodkaster patay na | Provincial News

DAVAO CITY – Binawian na ng buhay ang station manager ng Radyo Ni Juan sa Tacurong City, Sultan Kudarat, 31 araw matapos pagbabarilin.
Si Benjie Caballero, kasapi ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) Kidapawan chapter, ay limang beses binaril sa iba’t ibang parte ng katawan habang naghihintay ng traysikel sa harap ng kanyang bahay noong Oktubre 30.
Isinugod si Caballero sa St. Louis Hospital at sumailalim sa isang surgical operation upang maalis ang mga balang pumasok sa kanyang baga. Ipinasok siya sa intensive care unit ng ospital matapos ang operasyon.
Nobyembre 30 nang inilipat ito sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) sa Davao City, ngunit 3:23 ng madaling araw kahapon, sinabi ng kapatid nitong si Abdullah na binawian na ng buhay ang brodkaster.
Si Caballero, ayon sa kanyang mga kaibigan at kasama sa trabaho, ay isang hard-hitting radio commentator kungsaan maraming nasa gobyerno ang kanyang inatake sa kanyang public affairs program sa Radyo Ni Juan FM.
Ayon sa mga imbestigador, patuloy nilang inaalam kung sino ang responsable sa pamamaslang kay Caballero.
Isang Muslim si Caballero at inilibing ng kanyang pamilya sa ilalim ng ritwal ng Islam sa kanyang lugar sa M’lang, Cotabato kahapon.
Kasapi rin ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) si Caballero.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close