ARESTADO ang tatlong Chinese nationals dahil sa pangongopya umano ng mga credit card ng mga kapwa nila Tsino.
Ayon sa ulat, tinungo ng mga tauhan ng Bureau of Iimmigration fugitive search unit ang isang bahay sa Makati City na pinagtataguan ng kanilang mga target. Di na nakapalag ang mga Tsino na nasa loob ng bahay.
Sunod na hinuli ng FSU ang isa pa sa mga umano’y courier ng grupo.
Ayon sa immigration, mga sangkot sa credit card fraud o pangongopya ng credit card ang mga inarestong Tsino na nakapambiktima na ng libo-libong kababayan nila sa China.
Dito sa Pilipinas dinadala ang mga kinopyang card at dini-distribute ng mga suspek sa kanilang mga kontak para dito gamitin.
Gumugulong na ang deportation procedure laban sa tatlong inaresto habang tine-trace kung paano ipinapasok sa bansa ang mga kinopyang credit card.
Nakakulong sila ngayon sa immigration detention center.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *