3 sugatan sa sumabog na granada sa Camp Aguinaldo

TATLO katao ang sugatan sa pagsabog ng granada sa loob ng Camp Aguinaldo sa Quezon City kahapon ng umaga.
Sinabi ni Brig. Gen. Edgard Arevalo, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines (AFP), naganap ang pagsabog sa apartment unit na inookupa ni Staff Sergeant Larry de Guzman sa loob ng military headquarters compound, 6:20 ng umaga.
Nasugatan sa pagsabog ang sundalo kasama ang asawa at anak nito. Isinugod ang mga ito sa V. Luna Hospital.
Nagtamo ng mga pasa ang sundalo.
Bago ang pagsabog ay nagkaroon umano ng away ang mag-asawa. (Gaynor Bonilla)

  • 5
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    5
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *