3 maria timbog sa P400K shabu

CAVITE – Arestado ang isang itinuturing na high-value target drug suspect at 2 niyang kasamahan sa buy-bust operation sa Bacoor City, Cavite nitong Lunes.
Kinilala ang mga suspek na sina Mary Jane Salvador, 41, residente ng Brgy, Gawaran Molino 7; Marivic Oligario, 41, ng Magdiwang Brgy Queens Row west; at Maria Lourdes Tabal, 42, vendor, ng Brgy. Basra Quezon City.
Nasamsam ng mga pulis ang mahigit P400,000 halaga ng shabu sa bahay ni Salvador sa Barangay Gawaran, Molino 7.
Ikinasa ang operasyon matapos makatanggap ng sumbong ang pulisya ukol sa umano’y bentahan ng shabu malapit sa itinalagang route security sa Daang Hari Road para sa 30th Southeast Asian (SEA) Games.
Ayon sa pulisya, si Jane at kaniyang kinakasama ang isa sa mga pinagmumulan ng iligal na droga sa National Capital Region (NCR) at nagtatago lamang sa Bacoor.
Aminado ang suspek sa pagtutulak ng droga para libre ring makagamit, pero itinanggi ni-yang kasabwat nila sa pagbebenta ang mga kasama niyang inaresto.
“Pambuhay lang po ng anak ko. Hindi kasi nagbibigay ng sustento ‘yong tatay nila,” aniya.
“Pag-uusapan lang po sana namin ‘yong reunion,” depensa naman ng kasamahan ni Jane.

  • 6
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    6
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close