3 airline companies may libreng sakay sa ‘mass repatriation’ sa Middle East

SAKALING magdesisyon ang pamahalaan ng ‘mass repatriation’ para sa mga overseas Filipino workers na nasa Gitnang Silangan ng Arabya ay nakahandang tumulong ang tatlong local airlines na sunduin ang mga ito lalo’t nagkaroon ng tensiyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran na nauwi sa karahasan kamakailan.
Nabatid sa ulat na ang tatlong airlines ay kinabibilangan ng Cebu Pacific, Philippine airlines at Air Asia na nakahandang magbigay ng kanilang libreng tulong kapag ma-estranded ang mga ofws sa United Arab Emirates (UAE) at iba pang bahagi nito sakaling sumiklab ang giyera doon.
Ang Civil Aviation Authority of the Phippines o CAAP ay nagsasagawa ng routine coordination sa local airlines at international carriers na nag-ooperate sa bansa kaugnay sa magiging sistema sa aviation operations oras na magsimula ang repatriation.
Ikinakasa na rin ng CAAP ang air requirements, air asset needs, at ang air traffic aid sa pag-facilitate ng air movement sa naturang paglikas para sa mga Pinoy workers.
Sa kabila nito, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng CAAP sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno para sa ibang updates hinggil sa paghahanda upang mapadali ang paglikas ng ating mga kababayan sa Middle East.
(Jojo Sadiwa)

  • 6
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    6
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *