HANDA na ang lahat sa pag-inog ng pinaka-aabangan na 2nd Lian Chess Tournament na tutulak sa Pebrero 16, 2020, Linggo sa ganap na alas-otso ng umaga na gaganapin sa Lian Municipal Hall, Lian, Batangas.
Ito ay magkatuwang na inorganisa nina Lian Chess Club president Iniño Vergara Bolompo at Lian Chess Club vice-president Eric John Lamano na layuning makatuklas ng future chess master sa 1-day grassroots level rapid chessfest na suportado mismo ng local government ng Lian, Batangas sa pangunguna ni mayor Isagani I. Bolompo.
Bukas ang torneo sa lahat ng mga manlalaro na hinati sa dalawang dibisyon. Ang 1st place sa Open category ay tatangap ng P3,000 at tropeo habang maibubulsa naman ng 2nd place ang P2,000 at tropeo at maiuuwi naman ng 3rd place ang P1,000 at tropeo. May tig P500 naman ang top senior at top female. Sa kiddies division, ang top 3 ay tatangap ng tig P3,000, P2,000 at P1,000 plus tropeo ayon sa pagkakasunod habang tig P500 naman ang top under 10 at top under 8.
Kabilang sa mga naunang nagpatala ay sina Raizza Mae Dimayuga, Marvin Como, Rian Paul F. Tenorio, Wrizzia Xeill C. Tenorio, Noah Ezekiel M. Pon-An , Jonas Tenorio, Jean Clouie Tabiolo, Quinn Kerbie B. Molino, Jamie G. Laparan, Jared M. De Villa at Ezekiel Pabalan.
Ipapatupad ang five rounds swiss system, 25 minutes play to finish game kung saan P300 ang registration fee.
Sa detalye ay hanapin sina Lian Chess Club vice-president Eric John Lamano (0927-937-7457), Mr. Ron Lubugan (0917-629-1926) at Mr. Antonio Malinay (0955-723-6481).
(Marlon Bernardino)

***

FIBERKINETICS ISUSULONG ANG 3X3
AT 3-POINT SHOOTOUT SA ‘PINAS SA MODERNONG CAGE EQUIPMENT

MAGLARO ng streetball, sa barangay man , sa parke o sa malls sa isang ‘state of the art’ na laruan ang layon ng FIBERKiNETICS na ihandog sa basketball-loving Filipinos sa buong kapuluan.
Kaya naman ayon kay sales manager Ian Navarrosa,patuloy ang pag-agapay ng.kanilang kumpanyang FIBERKINETICS sa pagsulong ng larangan lalo na ngayong kinikilala nang medal event ang 3X3 sa mga international competitions na may basbas ng International Olympic Committee (IOC) at basketball world governing body na FIBA habang ang 3-point shootout ay naglalayong mahasa pa ang long shooting touch ng Pinoy cagers”,.
“Napapanahon at marapat lang na sumuporta sa mga naturang 3×3 basketball events dahil dito malaki ang tsansa ng mga Pinoy streetballers na mag-excel at maaring makipagsabayan sa mga toreng kalaban sa mundo ng 3×3 basketball”, wika ni Navarrosa sa kanyang pagbisita sa TOPS Usapang Sports sa National Press Club ,Intramuros, Maynila kahapon.
“We will help promote this sport in our humble way to the countryside and cities in the Philippines..Our state of the art cage equipments will surely harness the exceptional hoop talents of Filipinos and we will show that to the world,”diin pa niya sa lingguhang sports forum na inaayudahan ng PSC,POC,NPC,PAGCOR at CBA.
Makakatuwang ng FIBERKINETICS sa promosyon ng laro ang mga LGU’s sa mga primera klaseng basketball venues na kanilang pagtutulungang itayo maging sa mga barangay na palaruan.
Pokus ang FIBERKINETICS (flagship ng kumpanyang Philippine FiberTech Industries, Inc. sa Taguig City na itinatag ni top brass Engr. Efren Navarrosa ang mga ilalatag at raratsadang kaganapan sa mga malls, parke at covered courts sa buong kapuluan na ikakasa sa darating na summer depende sa estado ng mga naganap na kalamidad at pandemic sa bansa.
Ipinagmamalaki ng FIBERKINETICS ang mga produkto nitong Scoring and Timing System,Seating Solutions,Display System,Sports Equipments at Courts and Fields Projections na shoot lahat sa larangan ng basketball. (Ni Danny Simon)

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *