28 na patay, 417 sugatan, 2 missing sa lindol sa Mindanao - NDRRMC

Umakyat na sa 28 katao ang nasawi habang 417 katao ang sugatan sa magkakasunod na lindol na tumama sa Mindanao Region batay sa National Disaster Risk Reduction and Management Coucil (NDRRMC).
Sa datos, sinabi ni NDRRM Executive Director Ricardo Jalad, 28 katao na kumpirmadong nasawi, 417 katao ang sugatan, 2 ang missing habang nasa 50,930 pamilya o 254, 473 indibidwal ang direktang naapektuhan ng naganap na mga lindol.
Sa nasabing mga bilang, 8,265 na pamilya o 39,128 indibidwal ang nanatili sa mga evacuation center habang 8,789 pamilya o 43,945 individual ang nasa labas ng evacuation center.
Nasa 33,150 mga kabahayan, 1,075 na paaralan, 73 mga hospital at health facilities, 154 mga commercial establiment at 29 road/bridge ang nasira.
Itinigil narin ang pagsasagawa ng search and recue operation sa 2 nawawala na natabunan ng landslide dahil sa panganib ng mga recue volunteer dahil sa mga aftershock na lindol.
Sinabi ni Jalad na inirekomenda ng inter-agency sa Pangulong Duterte ang pagsasagawa ng mga relokasyon sa ilang mga lugar o barangay na lubos na naapektuhan ng magkakasunod na lindol sa Mindanao dahil sa itinuturing na itong mga danger zone at prone sa landslides.

  • 9
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    9
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close