2 Senior na fixer sa Manila City Hall, huli

Arestado ng mga tauhan ng Special Mayors Reaction Team (SMaRT) ang dalawang fixer sa isinagawang entrapment operation sa Manila City Hall.
Ayon kay SMaRT chief P/Major Rosalino Ibay Jr., pansamantalang nasa kanilang kustodiya ang naarestong sina Victoria Navarro, 67, licensed reverent; at Angelina Mote-mayor, 64, kapwa residente ng Sta.Ana, Maynila.
Nag-ugat ang pagkakaaresto ng mga suspek sa reklamo ng complainant na si Katherine Gonzales, 48 ng Las Piñas City.
Nabatid na nanghihingi ng halagang P15,000 si Navarro sa complainant para sa pagproseso ng birth certificate ng kanyang kapatid na babae.
Tumanggi umano si Gonzales sa mataas na presyo ng suspek hanggang sa bumaba sa ha-lagang P1,500.
Bunsod nito, agad na nagsumbong sa tanggapan ng SMaRT si Gonzales at ikinasa ang entrapment sa harap ng room 239 sa ikalawang palapag ng Manila City Hall building sa pangunguna ni P/Capt Edward G.Samonte na hepe naman ng Investigation at Intelligence.
Kasong robbery extortion ang inihahandang kaso laban sa mga suspek habang nakakulong sa custodial facility ng SMaRT.
(Jocelyn Domenden)

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *