SUGATAN ang isang security guard matapos na maunang magpaputok ngunit hindi tumama nang magduwelo sila ng dating kabaro sa Caloocan City Sabado ng gabi.
Nagtamo ng tama ng bala sa magkabilang hita si Niño Abia ng Eastern Force Security Agency.
Nakatakas naman ang suspek na si Marjun Relatado, 32, ng Libis Espina, Barangay 12, nasibak na guwardiya ng kaparehang ahensiya.
Base sa CCTV footage na nakuha ng mga pulis sa NLEX, Barangay 49, pinaputukan ng hindi batid na kalibreng baril ng ilang ulit ni Abia si Relatado subali’t hindi ito tinamaan.
Gumanti ng putok si Relatado at nasapul ang biktima sa magkabilang hita.

  • 2
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    2
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *