NAUWI sa barilan ang bangaan ng mga motorsiklo ng isang aktibo at retiradong pulis sa Calamba, Laguna
Sa kuha ng CCTV, makikitang nagbanggaan ang mga motorsiklo nina Police Lieutenant Ramil Gonzalez at retiradong si Jujardin Velasco.
Parehong bumagsak ang dalawang pulis, hanggang sa bumunot sila ng baril at nagbarilan sa gitna ng kalsada.
Humandusay si Gonzales na isinugod sa ospital pero namatay kalaunan.
Napuruhan din si Velasco at ngayo’y kritikal.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close