PATAY ang tatlong katao at isa ang sugatan sa nangyaring pamamaril at pagkatapos sinundan naman ito nang pagbigti ng suspek sa lalawigan ng Maguindanao.
Kinilala ang mga napatay sa pamamaril na sina Nenita Kurasig, 58, biyuda; at Yunidis Kurasig, 36, may-asawa habang sugatan naman ang isang Christian Kurasig.
Binawian din ng buhay ang suspek na si Sumagka Quimundo, mga residente ng Sito Kaguco, Brgy Matuber, Datu Blah Sinsuat, Maguindanao.
Ayon sa ulat, pinasok ng suspek ang bahay ng mga biktima at pinagbabaril gamit ang 12-gauge shotgun.
Mabilis namang tumakas si Quimundo nang matunugan nito na nagresponde ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) at pulisya.
Nang puntahan ng mga otoridad kasama ang mga brgy. officials ang bahay ng suspek, nakita itong wala ng buhay nang magbigti.
Sinasabing ang mga biktima at suspek, magkakamag-anak at may personal na alitan sa lupa na kanilang sinasaka.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Datu Blah Sinsuat PNP sa naturang pangyayari.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *