2 ‘KILLERS’ NG BROADCASTER SA NEGROS TIMBOG, 1 PANG GUNMAN NA PULIS TINUTUGIS

NADAKIP ng mga otoridad ang dalawang suspek sa pagpatay kay radio broadcaster Dindo Generoso sa isinagawang follow up operation sa Dumaguete City kamakalawa ng hapon.
Nakilala ang 2 nadakip na sina Teddy Reyes Salaw, 44 anyos, ng Batinguel, Dumaguete City; at Glenn Corsame, retired police ng San Jose Village, Bgy Banilad, Dumaguete City, na nagsilbing driver ng motorsiklo sa pag-ambush at spotter.
Samantala, pinaghahanap naman ng mga otoridad ang isang aktibong pulis na si Cpl Roger Rubio.
Ayon kay Brig. Gen. Valeriano De Leon, Regional Director PRO7, 5:00 ng hapon nang isinagawa ang follow up operation sa Dumaguete City.
Narekober ng mga otoridad sa mga suspek ang isang cal .45 caliber Norinco na may 8 bala.
Ang nadakip na mga suspek ay nasa kustodiya ngayon ng pulisya sa Dumaguete City habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa mga ito.
Magugunita na papasok ng trabaho si Generoso at minamaeho ang kanyang kotse na Hyundai Elantra nang tambangan ng riding in tandem sa may Bgy. Piapi.
Si Generoso ay nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan na ikinasawi noon din.
Tatlong positibong motibo ang tinitingnan ng mga otoridad kaugnay ng pag-ambush sa biktima, kabilang dito ang trabaho nito bilang radio broadcaster, pulitika kungsaan tumakbo ito sa pagka-mayor ng Dumaguete City noong 2016 at awayan sa lupa.

  • 3
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    3
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close