CAVITE – Upang makatapos umano ng pag-aaral, nag-sideline bilang tulak ng droga ang dalawang estudyante, su-balit minalas na naaresto at nakuhanan ng mahigit P.9 mil-yong halaga ng shabu sa isang buy-bust operation sa Dasmariñas City.
Ang mga naaresto ay sina Akmad Saripada, 22, alyas “Mads”, ng Area 1, Barangay San Dionisio; at Jay Gravoso, 23, ng Area D, Barangay Luzviminda, kapwa sa Dasmarinas City.
Sa ulat, ilang impormante ang nagtungo sa pulisya at inginuso ang dalawang estudyante na sangkot sa bentahan ng droga sa lugar kung kaya’t ikinasa ang buy-bust operation sa Barangay Datu Esmael, Damarinas City, Cavite, 11:00 ng gabi ng Sabado.
Nasa aktong iniaabot ni Saripada sa poseur buyer cop ang 30 gramo ng shabu na may street value na P280,000 nang arestuhin siya.
Inaresto rin si Gravoso na nakuhanan ng tinatayang 100 gramo ng shabu na may street value P680,000 na nakalagay sa isang kulay asul na eye glasses case.
Nakuha rin mula kay Gravoso ang ilang drug paraphernalia.

  • 2
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    2
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *