PATAY ang 2 barangay kagawad sa Bayawan City, Negros Oriental nang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin, Huwebes ng umaga.
Sakay ng motorsiklo at pauwi ng bahay ang mga biktimang sina Felipe Condez Jr., 60; at Jonesis Condez, 31, nang pagbabarilin ng salaring angkas sa motorsiklo sa may Barangay Kalumboyan, ayon sa pulisya.
Kapwa kagawad ng Barangay Kalamtukan ang 2 biktima, na nagtamo ng mga tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng kanilang katawan.
Sinundan ng riding-in-tandem ang mga biktima mula city proper, ayon sa imbestigasyon ng Bayawan Police.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close