Umakyat na sa 1,526 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa coronavirus disease (COVID-19).
Ang nadagdag na 143 fatalities ay pawang mula sa Mainland China.
Sa ngayon, umaabot na sa 67,100 ang mga nagpositibo sa naturang sakit, mula nang una itong ma-detect sa Wuhan City noong Disyembre 2019.
Gayunman, may 8,193 na dating na-infect ang naka-recover na matapos manatili sa itinalagang facility ng health authorities.
Una nito, nitong nakalipas na araw ay naitala ang lalong paglobo ng bilang sa loob ng isang araw matapos na magpatupad ang mga otoridad ng bagong sistema sa pagbilang at pagtukoy sa mga pasyente.
Samantala, nadagdag naman sa mga biktima sa Hubei province maging ang mga medical staff na siya mismong gumagamot sa mga COVID-19 patients.

  • 2
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    2
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *