Sugatan ang sampung katao matapos banggain ang mga ito ng isang Fortuner kamakalawa ng gabi sa harapan ng Baclaran Church sa Parañaque City kamakalawa ng gabi.
Isinugod sa pagamutan ang mga biktima na pawang apat na kababaihan at anim na kalalakihan, na inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga ito.
Arestado ang suspek na si Allan Respecia, nakatira sa #1089 DF Yuseco St. Tondo, Manila, driver ng Toyota Fortuner na may plakang RPM 55.
Sa report ng Parañaque City Traffic Bureau, naganap ang insidente 9:40 kamakalawa ng gabi sa harapan ng Baclaran Church, Redemptorist Road, Brgy. Baclaran ng nabanggit na lungsod.
Nabatid na minamaneho ni Respecia ang nasabing Fortuner at habang binabagtas nito ang nasabing lugar, hindi nito nakontrol ang preno, dahilan upang mabangga nito ang ilang bystander.
Nabangga rin nito ang Mio motorcycle na may plakang P0401019998, Sniper motorcycle na may 902997611, Mio black na may plakang 13030892765, 1 Kymco motorcycle plate na may 13030572167, 1 passenger electric bike at 3 assorted vendors cart.
Dahilan upang masugatan ang sampung katao, na kaagad na dinala ng rescue sa pinakamalapit na ospital.
Kaagad namang nadakip ng mga awtoridad ang driver ng Fortuner.
Patuloy pa ring iniimbestigahan ang nasabing aksidente.

  • 1
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    1
    Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *