Nailigtas ang dalawang babae at walong menor de edad na ibinubugaw sa Maynila at Caloocan.
Pinangunahan ng PNP Women and Children Protection Center (WCPC) – Luzon Field Unit ang pagsagip sa mga biktima.
Isinagawa ito sa dalawang motel sa Tondo, Maynila at Caloocan City.
Ayon kay Police Col. Samuel Mina Jr., ibinubugaw ng isang alyas Rose ang mga biktima at binabayaran mula P500 pataas.
Samantala, mahaharap ang mga suspek sa kasong human trafficking o paglabag sa RA 9208 habang dinala na ang mga nasagip na babae sa WCPC sa Camp Crame para kausapin ng mga pulis at social worker bago i-turnover sa Department of Social Welfare and Development.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *