PATAY ang isang bilanggo habang tatlo ang sugatan sa nangyaring rambol ng mga preso sa loob ng South Cotabato Provincial Jail.

Ayon kay Provincial Jail Warden Felicito Gumapac, nangyari ang insidente 10:30 ng Sabado ng umaga sa kalagitnaan ng paglilinis ng mga preso bilang bahagi ng pag-iwas sa coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay Gumapac, bago ang nasabing rambol, nagtalo ang  inmates na sina Jeffrey Tilo at Regin Montebor ng Selda 11 dahil lamang sa cleaning procedure.

Pagkatapos nito, nagtalo naman sina Primo Tanauay at Norbel Ali, kungsaan sumali narin ang ibang mga preso hanggang sa humantong sa rambulan.

Sa kalagitnaan ng gulo, sugatan sina Emboy Anan, Bai Salimbay, Jezrel Laboga at Randy Austria na kaagad isinugod sa ospital.

Nagtamo lamang ng sugat sina Tanauay, Laboga at Salimbay, ngunit idineklarang dead on arrival si Austria.

Nag-warning shot naman ang jail officers upang pahupain ang gulo at isinilid ang inmates sa kani-kanilang mga selda.

Narekober sa pinangyarihan ng kaguluhan ang ilang improvised bladed weapons.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *