1 month extension sa desisyon sa Maguindanao massacre case, pinagbigyan ng SC

Naiintindihan daw ni Supreme Court (SC) Chief Justice Diosdado Peralta ang hirit ng huwes na humahawak sa Maguindanao massacre case na isang buwang extension.
Paliwanag ng punong mahistrado, dahil narin sa dami ng mga respondent at complainant sa kaso ay mahirap daw talagang agad-agad magbaba ng desisyon si Quezon City Regional Trial Court (RTC) Judge Jocelyn Solis Reyes.
Dagdag niya, nakasaad sa batas na kailangang aksiyunan ng second at first level trial courts ang mga kaso sa loob ng 90 days pero may mga pagkakataon namang kailangang mabigyan ng mahabang palugit ang huwes na magbaba ng hatol.
At dahil nga sa dami ng mga akusado at biktima sa krimen ay pinagbigyan ng SC ang meritorious motion for extension na hirit ni Reyes para makagawa ng desisyon.
Pero umaasa naman ang punong mahistrado na maaaksiyunan na ang mag-iisang dekada nang kaso bago ang katapusan ng taon.
Sa Nobyembre 23 na ang ika-10 taon ng malagim na trahedya na ikinamatay ng 58 katao na kinabibilangan ng 32 mamamahayag.
Humaharap sa 58 counts ng murder laban sa mahigit 100 akusado sa krimen kabilang na ang pangunahing akusado na si Andal Ampatuan Jr.

  • 5
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    5
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close